Literatura sa Bacobo Nakpil
Taon na pala ang binilang ko bago muli akong umapak sa lupang humubog ng pagiging dekadente.
kahapon lang ay kadaop palad ko abang kapisan sa pagikot sa daang dati'y siksikan, ngaun ay animong merkante ng barrio. eto na ngaun ang eksena sa Bacobo-Nakpil.
dito nabuo ang lahat ng nahubog ang kamalayan ng pagiging ako ngaun.
nakakatawang nanduon pa din ang mga serbedorang kakilala nmin nailipat lang ng ibang bar dahil iisa din ang may ari ng establishimento. may mga dating sitsit boys na ngaun ay karpintero na. marahil eto ang hinihingi ng pagkakataon sa kanya... ang umakyat ng antas mula sa pagtitinda ng yosi.
nakakatuwang nakikilala pa din nila ako...
maliit lang ang republikang kinilusan ko pero lahat ng kulay ay sinapo ng mga mata nmin ng gabing yun. hindi man eto kasing kulay ng dati.
sa republikang eto natin makikita ang buhay na nais takasan ng mga tao. depenisyon nila eto sa malakalyeng nirbana... ayaw man nating aminin pero minsan eto din ang lambat para mabusog natin ang damdamin na nuon lang natin naramdaman na binansot sa ating mga bahay bahay.
ang importante ay ang naiwan nating alaala sa bawat kalye tulad ng mapanghing dingding, upos ng yosi, basag na bote, tissue na may detalye ng numero mo o ng babae, habulan sa nagkairingan grupo, gabi ng landi, presintong laging may blotter, noodles sa pagsapit ng alas-2, squid sa alas-3, iyakang walang dahilan, tawanang plastikan at bago umuwi ay ang suka mo sa poste.

san mang panig ng kalye sa nakamulatan kong malate ay matao... may mga turistang kahit papano ay namangha sa simbahan itinatag ng agustino.
madalas kong gawin ang haplusin ang lumang simbahan ng malate para ibigay ng paulit-ulit na detalye sa mga bisitang bagong salta. na minsa'y nagsanib ang impluwensya ng mga taong nabuhay sa asin at ng kanluraning kultura, base na din sa depiksion ng arkitektura.
dito ko dinadala minsan ang literatura ng pagsasanib ng politico-ekonomia.
natutuwa pa din akong isipin na ang ina nang anyuyang sa merkado tuwing gabi ay malate. sa bawat gabing tumuntong ang paa ko dito, ang ngiti ko'y abot-abot sa magkabilaang tenga. ngunit ngaun ni hindi ko nahaplos ang pilada ng simbahan.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home