Tuesday, February 21, 2006

eto na ang pwesto ni naths

whoa ang matagal na naming pangarap along malate tsk tsk tsk
peste lang kse talaga ang loan kaya hanggang drawing muna kami.

Sunday, February 19, 2006

AnG Re$ul+a ng PustAhaN

8:45EST (9:45Mla time) ang simula ng oras ng collosus na hamon na bumenta sa basurang leads. hindi basta hamon lang eto, isa rin etong motibasyun sa akin. kabado ako pero cge, nandian nmn ang "sw sw sw nc principle"(some will, some wont, so what next call)

unang hirit ng lecheng customer ay "NOT INTERESTED!" hindi pa man ako naka2pag-SPIEL ng kumpleto. pero cge sabi ko "mahaba pa ang oras" pilit kong sinasabing kaya pero sa tutuo lang pinakakalma ko lang ang sarili ko. malamig kse pawis ko, ibig sabihin kabado ako.

hindi nmn ako natatae pero sa tingin ko bigla akong matatae pag sa araw eto ay wla akong benta...pambihira man ang pustahan kinagat ko pero cguro dala na din ng alak.

11:30EST (12:30Mla Time) 2nd break, gusto kong sabihing "ayoko na ata" pero san pang naging inspirasyon ko ang ONE PIECE! ikinain ko na lang ang kaba ko sa lutong ospital ng opisina. pweh!

5:05EST (6:05Mla Time) syet bokya pa rin ako na close na si nath ng 67 electric and gas combo taenang buhay to pero alam mo bang SWERTE pa din ako sa pagkakataon. eto na ang sosyalistang republika ng vietnam! sa madaling salita ako ang binayaran sa ending ng storyang to, tpos kumanta kami at nagsayaaw na parang ending sa mga pelikulang 80's.

masyadong maaga ang pagdiriwang pero kailangan munang malinis at maayos dahil pag hindi dalawa lang ang resulta sa araw na eto, mabutas bulsa ko o mabutas bulsa nia, mabait ang kapalaran sa akin. sa madaling salita naawa sa akin ang panahon at binigyan ako ng treseng benta.(aleluya!)kya ang bagong bansag sa akin ay Ambassador!(dalawang bansa na kse nauuto ko sa savings program daw) una ang bulgaria pangalawa vietnam... sino nmn ang susunod?

kya sa madaling salita pag nagkaleche-leche ang kuryente nila sa embahada malamang na blacklisted ako sa mga bansa nila. palit na kaya ako ng pangalan... takbo na lang kaya ako sa eleksyon o magapply na gabinete ng gobyerno o .... o siyet!

lasing na pala ako.

kaninong bahay to? sino tong kasiping ko?

Thursday, February 16, 2006

aNg PuSTaHan

This is the typical day after day scenario, wandering with used leads and wondering if there is closable customer for today. i mean my 300 bucks is at stake, we we're damn drunk last payday after the meeting and a supervisor dare a bet... owww sheeet punet!

I never say no to a dare unless i have my cards. but this time its the other way around.

I still have more hours to buy time and think of the best ever rebuttals.
good thing some words inspires me such as...

"there no such things as no sales call for today, its either you make the sale or the customer sell you an idea they cant!"

"i know that the decision to either buy this idea or not will not change your life or for that matter having a major positive influence on your style of living, however, this relationship will. this will be the beginning of the best relationship you have ever perceive of having in the stock market. get this minimal amount of shares now, i wont let u down!"

another problem is i dont feel funky to funky!

tangina san ka pa e di sa PURONG LAKAS NG LOOB, tangina manalo kaya ako?

Monday, February 13, 2006

maikling eksena sa luvapalooza

Tatlong taon na nating ginagawa ang luvapalooza sa maynila, masasabi nating gago akong nagpunta dunng walang kasama na ang pangunahing dahilan ay maki2-uzi sa maghahalikang palovers, maki-uzi sa nagaaway na palovers, maki-uzi sa mga nagpapraktis ng halikan. Lekat halikan na nga ang event nagpaparaktis pa. uhmmppp naisip ko na lang camera conscious tong magdyowa na to.

eto ang araw kung saan SWERTE ako sa pagkakataon.(malalaman mo kung bakit) maraming excited na pinoy na ipakita sa mundong malufet ang pinoy na humalik at kung gaano ka-passionate. hindi din magkamayaw ang mga bata pa edad 14-16 ang opisyal na hindi rehistradong mag-irog, masabi lang na naging in sila at syempre maitala sa kasaysayan.

walng konkretong plano ang pakay ko nun pero kamote talaga la akong partner, gusto ko lang cgurong ingitin ang sarili ko at itulak para magpursigeng humanap ng mahahalikan, pero kung meron man, huli na din, dahil un na ung araw ng halikan.

naalala ko tuloy ang kinse minutos na natitira sa relo nung araw na un, kinse minutos na lang halikan na. syempre ang pinanganak na pilyo, talagang pilyo... inoobserbahan ko ang magdyowang kanina pa nagaaway hindi ko lang malaman kung bakit maganda nman ung babae. sa madaling salita iniwan sia ng kelot... naisip kong hahabulin ng babae pero hindi, tumingin lang sia sa papalayong lalake. medyo lumapit ako ng konti para maki-uzi pero teka nakita ko sa malaking relo na ilang minuto at segundo na lang, halikan na.

eksakto pa nun ang bilang ng countdown bago maglapat ang labi... sa unang tingin hindi ka maiingit pero pero akala mo lang un, pagkakataon ko nang maging pilyo. malakas ang bilang nuon saktong 18 segundo na lang at nasa paanan na ako ng babae at sabi ko.

"INIWAN ka din ba?... pwede tau muna ngaun gabi ang maghalikan kung ok lang" with matching pa-cute effect.

"kapal ng mukha mo ha" un ang malutong na sagot kasabay sa bilang ng oras. medyo pumula ilong ko nun at uminit ang tenga sa hiya. pero nakatitig lang ako sa kanya walang reaksyon. sumagot pa din ako "miss, 5 seconds na lang at saka nagbrush ako ah"

mabait ang PAGKAKATAON sa akin at sinabi nia "cge na nga, halik lang ha!" at parang may aleluyang background music ng marinig ko to...

matapos ang malagkit na halikan na halos paltusin ang labi ko hindi ko nakalimutang magpasalamat

"salamat..."

sumagot sia ng may halong pagkutya "halik lang?"


disclaimer: hindi ang may akda ang nakaranas ng eksenang eto. hindi malambot ang labi nia, hindi ako nakajaporms nung araw na un, wala akong discount card nung araw na un.

testing lang muna, laging ganun ang una di ba?

dito nmn lagi naguumpisa ang blog sa testing hanggang makita mo ang metro, mapatapos nating iadvertise na may blog tau... sa tutuo hindi ko din alam kung bakit. pero kung titignan mo eto cguro ang makabagong diary online nga lang, o di ba? minsan nga sa sobrang inobatib ang pinoy ang blog ang nagiging website o forum o simula ng away, tsismis, relasyon, etc.

sa madaling salita ano mang impormasyon na nakikita ng mata ng publiko ay nagiging materyal dahil yan tayo, meron ba nian sa ibang bansa? pasimula lang muna eto, tangina mahirap ding magisip at kusang pumapalo ang mga daliri sa makinilyang pangcomputer(naks tagalog ng keyboard).

kung tatanungin mo ko kung san ko nadiskubre to, maikling kwento lang sia at maaaring isang pangungusap pa nga e. isa tong paanyaya ng karelasyun(tagalog ng gf o bf, o di ba?) dahil na din cguro sa hilig kong magkwento ng mula sa hindi tutuo at hanggang sa tutuo(mas malamang ung hindi tutuo dito. tsk tsk tsk. )

cguro ung detalye sa susunod na blog... iaadvertise ko muna na may bago na akong blog!